Tuesday, November 9, 2010

Pagsasaling Wika

Translation! Translation! Translation! Translation!

Translation is a global subject matter and this will make a big difference in the personal life of an individual.

The act of rendering into another language; interpretation; as, the translation of idioms is difficult.

That which is obtained by translating something a version; as, a translation of the Scriptures.

A transfer of meaning in a word or phrase, a metaphor; a translation


Transfer of meaning by association; association of ideas
.

Pagsasaling-Wika

Ayon kay Savory:
Sa Europa, ang kinikilalang unang tagasaling-wika ay si Andronicus, isang Griyego. Isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni Homer.
May isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang nakaabot ng Baghdad sa pagsasalin sa Arabic ng mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at marami pang ibang kilalang mga pantas.
Dakong ikalabindalawang siglo sinasabing nagsimula ang pagsasalin ng Bibliya. Sa wikang Aleman, ang kinikilalang pinakamabuting salin ay ang kay Martin Luther (1483-1646). Sa katotohanan ay dito nagsimulang makilala sa larangan ng pandaigdig na panitikan ang bansang Alemanya.
Sa panahon ng unang Elizabeth nagsimula ang pagsasaling-wika sa Inglatera samantalang ang pinakatuktok naman ng larangang ito ay sa panahon ng ikalawang Elizabeth. Ang pambansang diwang nangingibabaw ng panahong iyon ay pakikipagsapalaran at pananampalataya.

Mga Salin ng Bibliya:
1. Aramaic – wika ng kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan
2. Griyeyo – salin ni Origen noong ikatlong siglo na nakilala sa Septuagint
3. Latin – salin ni Jerome noong ikaapat na siglo

John Wycliffe – kauna-unahang nagsalin ng Bibliya sa wikang Ingles noong ikalabing – apat
na siglo

Unang Yugto ng Kasiglahan:
Masasabing nagsimulang magkaanyo ang pagsasaling-wika sa Pilipinas noong Panahon ng Kastila kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo. Subalit gaya ng nasasaad sa kasaysayan, naging bantilaw o urong-sulong ang naging sistema ng pagpapalaganap ng wikang Kastila sapagkat hindi naging konsistent ang Pamahalaang Espanya sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Indios na kanilang nasakop. Sa halip, lumaganap ang Kristyanismo sa masang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga katutubong wika.

Ikalawang Yugto ng Kasiglahan:
Nagtuluy-tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga pyesang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang pambansa ng mga nasusulat sa Ingles. Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghal sa mga teatro na siyang pinakapopular na libangan ng mga tao sapagkat wala pa nooong sinehan o televisyon. Mapapansin din ang dami ng mga salin sa iba’t ibang genre ng panitikan sapagkat sa Panahon ng Amerikano nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang maramihan ang mga iyon mula sa Kanluran.

Ikatlong Yugto ng Kasiglahan
Ito ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa kaugnay ng pagpapatupad sa Patakarang Bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon. Kaugnay ng nasabing kautusan, mas marami ang kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles.

Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan
Sa panahong ito, isinalin ang mga katutubong panitikang di – Tagalog. Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad nating makabuo ng panitikang talagang matatawag na “pambansa.”
Mabanaggit ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na isinagawa ng LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary Language Teacher Education ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal ng Ford Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.

Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa: Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang magamit sa ikalawang bahagi ng proyekato.
Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-seminar na nilahukan ng mga piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong vernakular ng bansa. Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wikanin ng bnasa.

Ikalimang Yugto ng Kasiglahan
Pinondohan ng Toyota Foundation ang isang proyekto hinggil sa pagsasalin ng mga piling panitikan ng ating mga kalapit-bansa. Ang nasabing Translation Project ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Solidarity Foundation.
Sa larangan ng drama, patuloy pa rin ang pagsasalin ng mga banyagang akda. Sina Rolando Tinio at Behn Cervantes at ibang kilalang mandudula ng bansa ang nagsipanguna sa ganitong uri ng pagsasaling-wika.
Sa pagsasaling-wika sa Pilipinas, ang tanggapang maituturing na nangunguna at kinikilala sa larangang ito ay ang Komisyong sa Wikang Filipino na sadyang itinatag ng pamahalaan upang siyang mangalaga sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagpagsaling-Wika (Nida at Savory)
Tungkulin ng isang tagapagsaling-wika ang mailipat niya sa wikang kanyang pagsasalinan ang diwang ipinahahayag sa wikang isinasalin. At upang maging maayos ang kanyang pagsasalin, dapat din niyang unawain hindi lamang ang nakikitang nilalaman ng paksa kundi gayundin ang natatagong kahulugan nito, ang mga emosyong napapaloob sa mga salita at ang estilo na siyang nagbigay-kulay at ganda sa diwang nais ipahayag ng awtor.

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
Ayon kay Nida, ang katangiang ito ang “first and foremost requirement of any translator.” Tungkol sa wikang isasalin, hindi raw sapat na nakukuha niya ang general drift ng kahulugan ng kanyang isinasalin o kaya’y mahusay siyang kumonsulta sa diskyonaryo. Kailangang maunawaan din niya ang maliliit na himaymay ng kahulugan, ang bahagyang pandamdaming taglay ng mga salita, at ang ginamit na estilo na siyang bumuo ng “flavor and feel of the message.”

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
Ito ay tumutukoy sa kaalaman sa kakanyahan ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Kailangang maunawaan ng tagapagsalin, halimbawa, ang pagkakaiba sa balangkas ng Ingles at Filipino. Iba ang balangkas ng pangungusap, sistema ng paglalapi at pagbuo ng mga parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino. Ang kaalamang ito ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri o pagbatid sa tunay na diwang nais ipahatid ng awtor, gayondin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagbubuo, pagsusunud-sunod atbp.

3. Sapat na kakakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
Ang ginamit na parirala ni Nida rito ay “capacity for literary expression.” Magkaiba ang kakayahan sa wikang pampanitikan kaysa karaniwang kakayahan sa paggamit ng wika. Kung ang isasalin ay tula, higit n mabuting ang maging tagapagsalin nito ay isa ring makata sapagkat iba ang hagod ng makata. Iba ang kanyang paraan ng paghahanay at pagpili ng mga salita.



4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
Ang isang guro, halimbawa, na hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng gurong nagtuturo nito. Nakalalamang ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura; ang wikang Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. At gaya ng alam natin, ang Amerika at Pilipinas ay dalawang bansang lubhang malaki ang pagkakaiba sa kultura.
Sa gayon, masasabi nating walang wikang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabubuhulan nito.

Definisyon:
Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.


Dahilan Kung Bakit Mahirap Magsalin ng Tula
Sinasabing mas mahirap magsalin ng mga tekstong di-teknikal sa teknikal. Sa mga tekstong teknikal, kapag nauunawaan ng tagapagsalin ang nilalaman ng kanyang isinasalin, ang problema lamang niya ay ang mga katawagan o terminolohiyang gagamitin. At ito nama’y problemang napakadaling lutasin sapagkat maaari naman niyang hiramin sa isinasaling teksto ang mga katawagang gagamitin sa kanyang salin.
Samantala, nainiwala ang teorista at praktisyuner na higit na mahirap ang pagsasalin ng tula sapagkat:
1. mas mahirap unawain ang diwang ipinahahatid ng makata
2. gumagamit ang mga makata ng tayutay
3. kailangang pangalagaan ang estilo ng awtor lalo na kung kumbensyunal ang pagkasulat nito
4. magkaibang kultura ng orihinal na sumulat at ng tagapagsalin
5. panahon ng pagkasulat



Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsasalin
1. Basahin muna nang buo ang isasalin upang maunawaan ang pangkalahatang diwang
napapaloob dito bago magsimula sa pagsasalin.
* Magtala ng mga salitang naiisip mong mahirap tumbasan sa pagsasalinang wika.

2. Isagawa ang unag burador ng salin
*Alalahaning isalin ang diwa hindi lang ang mga salita.

3. Iedit o pakinisin ang salin.
* Hayaang dumaan ang salin sa “refrigeration”.
a. kayarian ng pangungusap
b. pagkakaltas ng mga salita o pangungusap na borkloloy lamang
c. pangungusap na malabo ang diwang pahatid
d. salitang hindi angkop sa sa antas na pinag-uukulan ng salin
e. gamit ng mga salita/ispeling
f. mga pang-uganay





*mula sa aklat na Pagsasaling-Wika ni Alfonso O. Santiago

www.brainyquote.com